Posts

Showing posts from August, 2020

Sampung Piso, kapalit isang Malaking Bahay? Paano nangyari yun?

Image
May isang bata, tonton ang pangalan, sampong taong gulang at mag-isang nakatira sa ilalim nang tulay sa san isidro. Wala na kasi siyang Ama at Ina at kasalukuyang sa mura niyang edad natutunan niyang buhayin ang sarili niya. Araw-araw pagkatapos niyang kumain sa umaga ay lagi siyang pumupunta sa dumping site malapit sa tulay kung saan doon niya kinukuha ang mga kalakal na kanya namang ibininta para magkaroon siya ng pambili na makakain. Pagsapit ng tanghali, dala ng sobrang init ng panahon, naisipan ni tonton na magpahinga muna at ibenta ang mga naipon niyang plastik na bote. Naibenta niya ang mga ito sa halagang sampung piso, pagkatapos noon agad siyang umuwi para makapagpahinga at babalik nalang pag di na masyadong mainit doon sa dumping sites. Habang naglalakad pauwi si tonton,  nakadaan siya nang isang malaking bahay, napahinto siya at nakangiting nakatingin sa malaking bahay, May lumabas na lalaki, nakita sya at tinatanong ito kung bakit siya nakangiti,. "magkano po ganyang k...

Nagtapon lang nang basura si Ante Tata, pagkalipas ng isang araw, tinanong at hinanap ni LOLA ang kanyang pinagtaponan nito. Bakit kaya?

Image
 Isang mananahi ang lola ko at ante ko, yan ang pinagkukunan nila ng panggastos pambili ng ulam sa araw araw at sa iba pang pangangailangan. Dahil sa katayuan nang trabaho nila, minsan nalang sila magkakaroon ng oras para linisin ang kanilang bahay at sa kadahilanan narin ng may maraming pinapagawa ng mabilisan. Habang lumipas ang ilang mga araw at buwan, napansin ni ante tata na marami na pala sila naimbak na mga retaso ng tela at naisipan niyang iligpit na ang mga ito. Bago siya nakapagsimula, nagpaalam si lola na umalis at siya na ang mag deliver sa kanilang mga natapos na mga tinatahing damit at mga kurtina. Kinabukasan nabalik na ang lola ko, at napa wow pa talaga sa ginawa ni ante tata,  Lola: wow, ang linis na nang bahay ah, sarap sa paningin😍😍😍 Ante Tata: Naisip ko pong linisan ang bahay ma, dami na kasing kalat, hehehe, nilinis ko na lahat, ang mga retasong tela nanndoon na sa bodega. At doon naman sa kwarto natin,tinapon ko na lahat ng basura, yung mga papel na ni...

8years na lumipas Mahal nya parin BESTFRIEND nya, grabi naman

Image
 Ako si Mark, 25 years old na ngayon, mukhang mabait😂at maypagkamahiyain. Back to 2012, nag-aaral ako ng college sa taong ito. Nakilala ko si Kim, classmate ko at naging BESTFRIEND ko pa. Lima kami na matatalik na kaibigan, apat kami lalaki at si kim ang nag-iisang babae. Medyo madaldal siya(kim), strikta pero masayang kasama. Year 2013, di ko na natandaan ang buwan basta sa taing ito naramdaman ko sa sarili ko na may gusto ako sa kanya, buhat siguro nang kulitan at pagsasama namin papuntang school at pag-uwi kaya ayon medyo may nabuong kakaibang feelings sa kanya. Habang tumatagal, lalo ko napatunayan na mahal ko siya, pero ang problema kung mahal ba nya ako? Takot kasi akong magsabi nang totoo, medyo torpe ako nang kunti. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya, pero di ko kayang magsabi sa kanya. Isang araw, naisipan kung ipagtapat sa kanya ang aking damdamin pero hindi sa personnal sapagkat natakot ako kaya dinadaan ko sa text, hindi ko alam ang gagawin kasi 1st time ko...

Isang TATAY na hinusgahan pero kahangahanga ang nangyari

Image
 Si tatay tonyo, mabait, maka diyos, may asawa at may tatlong anak. Nakatira lamang po sila sa bundok, kumakayod para sa pang araw-araw na pangangailangan, Si tatay tonyo kahit mahirap lamang, pero ang puso ay puno nang pag-asa at mga pangarap, isa na rito ay ang mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang tatlong anak. Si basha, ang panganay, nakapa-aral sa kolehiyo, subalit hindi nakapagtapos buhat narin nang awa sa kanyang ama na kumakayod at hirap na hirap na sakakahanap ng pangkunsomo at pangbaon sa kanila. Kaya nakapag desisyon na lamang siya na itigil ang pag-aaral at tulongan na lamang nya ang ama sa paghahanap ng panggastos at sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid. Si tatay, nakarinig nang mga usap-usapan sa paligid at ang kanyang buong pamilya na hindi daw kaya ni tatay ang mapagtapos ang mga anak nya, sayang lng daw po ang sakripisyo nya, sapagkat wala daw po itong magandang patutungohan. Pero sa halip na panghihinaan si tatay, lalo itong nagpupursigi at naglakas loob na mapag t...