Isang TATAY na hinusgahan pero kahangahanga ang nangyari
Si tatay tonyo, mabait, maka diyos, may asawa at may tatlong anak. Nakatira lamang po sila sa bundok, kumakayod para sa pang araw-araw na pangangailangan,
Si tatay tonyo kahit mahirap lamang, pero ang puso ay puno nang pag-asa at mga pangarap, isa na rito ay ang mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang tatlong anak.
Si basha, ang panganay, nakapa-aral sa kolehiyo, subalit hindi nakapagtapos buhat narin nang awa sa kanyang ama na kumakayod at hirap na hirap na sakakahanap ng pangkunsomo at pangbaon sa kanila. Kaya nakapag desisyon na lamang siya na itigil ang pag-aaral at tulongan na lamang nya ang ama sa paghahanap ng panggastos at sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid.
Si tatay, nakarinig nang mga usap-usapan sa paligid at ang kanyang buong pamilya na hindi daw kaya ni tatay ang mapagtapos ang mga anak nya, sayang lng daw po ang sakripisyo nya, sapagkat wala daw po itong magandang patutungohan. Pero sa halip na panghihinaan si tatay, lalo itong nagpupursigi at naglakas loob na mapag tapos nya ang kanyang mga anak dahil wika ni tatay tonyo "wla akong ibang maibigay sa aking mga anak, kung di ang mapagtapos ko sila sa pag aaral, para hindi mahintulad sa amin na pahirap lamang, kaya habang buhay pa ako handa akong mag sakripisyo alang-alang sa mga anak ko, mabalot mn ako sa utang, masangla mn mga lupain ko, basta mapagtapos ko lng mga anak ko",.
At yun nga, dumating ang panahon napagtapos ni tatay tonyo ang kanyang dalawang anak na lalaki sa koliheyo at ang isa naging isang pulis pa, si tatay ngayon laking tuwa at saya na napatunayan nya sa mga taong humusga sa kanila na kahit anung estado sa buhay, basta may pangarap at pursigido sa buhay ay may inaasam talagang tagumpay. Kampanti na po si tatay tonyo sa kanyang accomplishment. Sa mga taong humusga sa kanya, anu na kaya accomplishment nila? ☺️😊
"Wag kang mapanghusga sa kapwa, tandaan mo, BILOG ANG MUNDO. "
Comments
Post a Comment