8years na lumipas Mahal nya parin BESTFRIEND nya, grabi naman

 Ako si Mark, 25 years old na ngayon, mukhang mabait😂at maypagkamahiyain.


Back to 2012, nag-aaral ako ng college sa taong ito. Nakilala ko si Kim, classmate ko at naging BESTFRIEND ko pa. Lima kami na matatalik na kaibigan, apat kami lalaki at si kim ang nag-iisang babae. Medyo madaldal siya(kim), strikta pero masayang kasama.


Year 2013, di ko na natandaan ang buwan basta sa taing ito naramdaman ko sa sarili ko na may gusto ako sa kanya, buhat siguro nang kulitan at pagsasama namin papuntang school at pag-uwi kaya ayon medyo may nabuong kakaibang feelings sa kanya.


Habang tumatagal, lalo ko napatunayan na mahal ko siya, pero ang problema kung mahal ba nya ako?

Takot kasi akong magsabi nang totoo, medyo torpe ako nang kunti. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya, pero di ko kayang magsabi sa kanya.


Isang araw, naisipan kung ipagtapat sa kanya ang aking damdamin pero hindi sa personnal sapagkat natakot ako kaya dinadaan ko sa text, hindi ko alam ang gagawin kasi 1st time ko po nagkakagusto ng babae yung nga lang sa bestfriend ko pa talaga.


Dumating ang araw, sinagot niya ako, "best, mabuti kung bestfriend nalang tayo, kasi pag magJowa na tayo, pag nag-away tayo, wala na, tapos na nga tayo pati pagkabestfriend natin baka mawala na rin"


Ang sakit pala😓😭naiyak ako sa gabing yun, pero tinanggap ko ang kanyang desisyon, tinanggap ko na hanggang bestfriend lng talaga ako sa kanya kasi, ilang araw noon nalaman kung naging sila na sa isang classmate namin. Lalo kung na feel yung sakit. Alam nyo yung nag selos ka, pero walang kayo. 


Dumistansya ako nung nalaman ko na sila na para naman gumaan kunti pakiramdam ko at nang makapag-focus sya doon sa boyfriend nya.


Ilang buwan, taon ang lumipas hanggang sa nag graduate na kami sa college at nakapag trabaho na ako sa hanay ng PULISYA at sya naman nalaman ko na nagpunta pala sya nang maynila para magtrabaho at nag aaply din sa hanay ng AFP last year(2019) akalain nyo, kinontak ko siya november 2 yata yun at doon nagbalik ang maganda naming pagkukuwentuhan, kakaibang saya promise🤣🤣🤣


Year 2020, time na umiyak ulit ako sa bestfriend ko, sinabihan nya ako at tinatanong kung bakit daw ako lumalayo palagi sa kanya noong nagkaboyfriend na sya, hindi ko raw ho siya tinuring na bestfriend,.grabi, d ako nakapigil, nasabi ko sa kanya ang reason why na palagi ko sya iniiwasan, dahil nasasaktan ako at ayaw ko na po lumapit baka magkagulo lng, pinagsabihan kasi siya sa BF din nya na iwasan ako, sinabi nya sa akin, kaya ako na kusang lumayo. 


Pero nagulat ako, sa time na yun pinagtapat niya sakin na ako naman talaga gusto rin niya kaya lang di niya ako sinagot kasi ang akala niya nagbibiro lang ako. Hindi ko naman kasi pinopush yung feelings ko kaya ang akala nya hindi ako seryoso. 


It's been 8 years na, Aminin ko man na Mahal ko parin siya, Kaya lang, May girlfriend na din ako ngayon, iasa ko nang kay Lord kung anong kapalaran na naghintay sa akin, sayang lang, mahal din pala nya ako noon, TOTORPE TORPE KASI😂



Anyway., THANK YOU FOR READING.... 

This is base on True to life Story from NEGROS ORIENTAL


Comments