Nagtapon lang nang basura si Ante Tata, pagkalipas ng isang araw, tinanong at hinanap ni LOLA ang kanyang pinagtaponan nito. Bakit kaya?

 Isang mananahi ang lola ko at ante ko, yan ang pinagkukunan nila ng panggastos pambili ng ulam sa araw araw at sa iba pang pangangailangan.


Dahil sa katayuan nang trabaho nila, minsan nalang sila magkakaroon ng oras para linisin ang kanilang bahay at sa kadahilanan narin ng may maraming pinapagawa ng mabilisan.


Habang lumipas ang ilang mga araw at buwan, napansin ni ante tata na marami na pala sila naimbak na mga retaso ng tela at naisipan niyang iligpit na ang mga ito. Bago siya nakapagsimula, nagpaalam si lola na umalis at siya na ang mag deliver sa kanilang mga natapos na mga tinatahing damit at mga kurtina.


Kinabukasan nabalik na ang lola ko, at napa wow pa talaga sa ginawa ni ante tata, 

Lola: wow, ang linis na nang bahay ah, sarap sa paningin😍😍😍

Ante Tata: Naisip ko pong linisan ang bahay ma, dami na kasing kalat, hehehe, nilinis ko na lahat, ang mga retasong tela nanndoon na sa bodega. At doon naman sa kwarto natin,tinapon ko na lahat ng basura, yung mga papel na nilagay doon sa taas nang kabinet. 

Mang marinig ni lola ang mga sinabi ni ante tata, agad itong pumunta sa kwarto at may hinahanap. 

Tinanong nya si ante tata kung saan nya tinapon ang mga papel, at nong sinabi ni ante, dali dali itong pumonta sa pinagtaponan ng basura at hinalungkat isa-isa ang mga papel na tinapon ni ante tata. 


At sa wakas, nakita na rin ni lola, kaya pala madali niya itong pinuntahan kasi, may mga pera palang nakalagay doon sa mga nilikit nyang mga basurang papel. 


At doon nalaman ang tinatagong sekrito ng Lola ko. 🤣🤣🤣....


Comments