Sampung Piso, kapalit isang Malaking Bahay? Paano nangyari yun?
May isang bata, tonton ang pangalan, sampong taong gulang at mag-isang nakatira sa ilalim nang tulay sa san isidro. Wala na kasi siyang Ama at Ina at kasalukuyang sa mura niyang edad natutunan niyang buhayin ang sarili niya. Araw-araw pagkatapos niyang kumain sa umaga ay lagi siyang pumupunta sa dumping site malapit sa tulay kung saan doon niya kinukuha ang mga kalakal na kanya namang ibininta para magkaroon siya ng pambili na makakain. Pagsapit ng tanghali, dala ng sobrang init ng panahon, naisipan ni tonton na magpahinga muna at ibenta ang mga naipon niyang plastik na bote. Naibenta niya ang mga ito sa halagang sampung piso, pagkatapos noon agad siyang umuwi para makapagpahinga at babalik nalang pag di na masyadong mainit doon sa dumping sites. Habang naglalakad pauwi si tonton, nakadaan siya nang isang malaking bahay, napahinto siya at nakangiting nakatingin sa malaking bahay, May lumabas na lalaki, nakita sya at tinatanong ito kung bakit siya nakangiti,. "magkano po ganyang k...